Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationships:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2019-06-12
Updated:
2019-06-14
Words:
1,880
Chapters:
3/?
Comments:
7
Kudos:
17
Hits:
446

Kwentong NielWink

Summary:

NielWink Tagalog Drabbles inspired by the songs on my playlist

1. Harana---Natutulog 'yung tao eh, tapos haharanahin mo?

Notes:

Natutulog 'yung tao eh, tapos haharanahin mo?

Harana by Parokya ni Edgar on loop

(See the end of the work for more notes.)

Chapter 1: Harana

Chapter Text

 

Isang malutong na ‘PUTANG INA’ ang pinakawalan ni Jihoon nang gisingin s’ya ni Woojin sa pamamagitan ng masakit na ‘kiliti’ sa tagiliran n’ya.

 

Napaka-walanghiya talaga ni Woojin kahit kailan!

 

“Aba, aba! Jihoon! Hindi ko gets bakit may nanghaharana sa’yo kahit napakabastos ng bunganga mo!”

“PUNYETA KA! Ang sakit ng ginawa mo! Bakit mo ba ‘ko ginising na hayup ka?!” Papungas-pungas n’yang reklamo sa kapatid n’ya.

Obviously, hindi n’ya na-pick up yung “harana” part.

“Gumising ka na, bago pa magreklamo mga kapitbahay! May nanghaharana sa’yo! Bilis! Akala mo napakaganda mo?!”

“Ha?  Ano’ng harana?!” Kinaladkad ni Woojin ang kapatid papunta sa balcony imbes na i-explain ang mga nangyayari.

“Aray ko! Puta ka, ano’ng trip mo?” Nakasimangot si Jihoon sa kapatid habang hinahaplos ang brasong hinigit ni Woojin sa pangangaladkad sa kanya.

“Mama! Papa! Si Jihoon, oh! Minumura ako porke’t may nanghaharana sa kanya!” Sumbong ni Woojin sa magulang pero dedma sila kay Woojin dahil sa busy si Mama Park at Papa Park sa pagdungaw.

Pagtanaw n’ya sa baba, nandun si Daniel na nakanta at naggigitara habang mukhang lutang na nakangiti sa kanya, kasama si Ong na nagbi-beatbox, Jaehwan at Jisung na nag-iinterpretative dance. After ilang seconds, saka lamang nag-sink in sa magandang binata ang mga nangyayari.

“Anak! Ang laki talaga ng iginanda mo tonight! Ang gwapo ng nanghaharana sa’yo!” Tuwang-tuwa ang kanyang nanay, habang mukha pa ring unimpressed ang tatay nila.

 

SHIT!!! HINAHARANA AKO NI DANIEL!  AT MAY MUTA PA ‘KO!

 

Tumalikod si Jihoon para magtanggal ng muta.

 

-----------------------------------------------------------------

 

 

 

 

“Kain muna kayo! Baka nagutom kayo sa panghaharana n’yo sa pretty kong anak.” Dala-dala ni Mama Park ang mga pagkain papunta sa coffee table sabay tawa at kindat kay Daniel.

“Salamat po, Tita!” Sabay-sabay na tugon ng mga binatang gutom.

“Ang pretty nga po ng anak n’yo, Tita! Kaya patay na patay ‘tong kaibigan namin eh.” Pag-agree ni Jisung.

Buong gabi naging uncomfortable si Jihoon at Daniel sa pang-aasar ni Mama Park, Woojin, at ng iba pang boys. Dagdag din sa pagiging uncomfortable ni Daniel ang seryosong titig sa kanya ni Papa Park.

 

 

---------------------------------------------------------------

 

 

“Salamat! Nakatakas din!” Bulalas ni Jihoon habang naglalakad papalabas ng bahay upang magpaalam kay Daniel. Nagkaroon din sila ng alone time tonight dahil busy na sa pagliligpit si Mama Park, tulog na si Woojin (Puta, salamat talaga!) at pinauna na ni Daniel sa sasakyan ang mga kaibigan n’ya.

Tumigil sila maglakad ng nasa tapat na sila ng gate.

“Natakot talaga ako sa tatay mo. Lalo na nung nilabas n’ya yung balisong n’ya habang kinakausap n’ya ‘ko. Jusko!” Hawak ni Daniel sa dibdib n’ya, remembering the talk with Papa Park. Napatawa si Jihoon sa legit na takot ng binata.

“Gano’n lang talaga si Papshie. You know. Di pa n’ya tanggap na nagdadalaga na ‘ko.”

“Pero naiintindihan ko s’ya. Kasi kung ako may anak na kasing-ganda mo, baka ‘di ko na palabasin ng bahay.”

Napangiti si Jihoon at muling na-trigger ang pabebe side n’ya.

“Luh. Puhrung tuhnguh!” Slight na hampas n’ya sa toned chest ni Daniel. Sinamantala ng binata ang opportunity at hinawakan ang kamay na ipinanghampas sa kanya.

 

Titigan. Katahimikan.

 

“Thanks sa pagdungaw.” Sincere na sambit ni Daniel na hindi pa rin binibitawan ang maliit na kamay ni Jihoon.

“Parang ‘yun lang eh.”

“Hindi ah. Malaking bagay ‘yung pagdungaw mo sa nanghaharana sa’yo. Alam mo bang noong araw, kapag hindi type ng mga hinaharana yung nanghaharana sa kanila, hindi nila dinudungaw, or worse, bubuhusan sila ng ihi galing sa arinola para magtigil? Kaya thank you kasi dinungaw mo ‘ko at hindi mo ko inihian. Thank you kasi gusto mo rin ako. Hehe.” Ngiti ni Daniel.

“Salamat sa trivia, Kuya Kim! Pero ang kapal ng fes mo ha. Wala akong sinabing gusto kita!” Pa-tsundereng hinablot ni Jihoon ang kamay n’ya sa pagkakahawak ni Daniel.

“Joke lang, syempre.” Kinuha ulit ni Daniel ang kamay ni Jihoon. Parang warning sign na may cringe-worthy confession na magaganap.

“Hindi kita ipagsisibak ng kahoy, pero bubuhatin ko yung gasul n’yo paakyat ng second floor. Hindi kita ipag-iigib ng tubig, pero pupunuin ko lagi ng tubig mga pitsel n’yo. Gabi-gabi kitang haharanahin, hanggang sabihin mong gusto mo rin ako.” Pinipigilan ni Jihoon ang pagngiti sa cheesy confession ni Daniel.

‘Tang ina??? Ang cute n’ya???

“You are so lame, Kang Daniel.”

Hinalikan nito ang kamay ni Jihoon. Paatras na naglakad papalayo.

 

“Masanay ka na. Kasi malapit ka nang mapasa-akin!!!”